KISAP MATA ( SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atphugotpoetry@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
“KISAPMATA”
Isinulat Ni: Angel May Tiania
Isang gabi naglalakad ako sa isang parke. May malamlam na mga ilaw sa poste. At malamig na hanging humahalik sa balat ko na para bang pilit pinapamukha sa aking mag isa lang ako.
magmula sa pwesto ko'y natanaw ko ang isang lalakeng bagama't nakalihis ng tingin ay kilala ko na ang buong pagkatao. lalakeng aminado akong minsan ng niyanig ang buhay ko. Lumipas ang ilang sandali at parang sa telenovela ang lahat ay naging slowmo.
Mga pormahan mong minsan na naging elegante sa paningin ko, mga ngiti mong minsan ng binuo ang araw ko .
Nang magtama ang ating mga mata, sa isang iglap, pakiwari ko'y biglang tumigil ang oras na para bang hinihigop ako pabalik sa panahong ayoko na sanang balikan pa. Pilit binubuhay sa akin ang mga ala alang matagal ko ng pinatay sa aking memorya.
At sa isang kisapmata, bumalik ako sa lugar na kung saan una tayong nagkakilala, sa paaralang saksi sa namuo nating pagtitinginan na akala ko noo'y walang hanggang pagmamahalan.
Di ko namalayan na sa isa uling kisapmata, ay nasa tahanan ninyo ako kasabay ng pagpapakilala mo sa aking bilang iyong kasintahan.
Sa isa uling kisapmata, natagpuan ko ang sarili kong nasa mga bisig mo, yakap mong tila sinasabing kailanman ay di ako pababayaan.
Sa isa uling kisapmata, ay natagpuan ko ang mga daliri mo sa kamay ko na tila sinasabi mong kailan man ay di mo ako bibitawan.
Sa isang kisapmata, natagpuan ko ang sarili











