MASAKIT ANG MALOKO (SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atphugotpoetry@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
164🔘 MASAKIT ANG MALOKO
By hi ex
tunepocket:
Maraming katanungan
ang nabubuo saking isipan
Mga dahilang diko maintindihan
Na nauuwi sa bakit
Masama bako o sadyang masyado lang mahigpit
Para masakal kat wag kumapit
Iniisip ko kung may mali ba ako
O sadyang ayaw muna sa relasyon na meron tayo
O baka kasi sadyang meron lang bago
O baka naman meron lang nag iba sayo
Yun ba ang pag ibig mo ?
Na sabi mo pa nga tapat at totoo
Na kahit sinong humadlang hindi mag babago
kahit hadlangan pa ng kahit sino
Mapa unos man o bagyo
Pero, anyare sa pangako mo ?
Bakit tila nag laho ?
Gaano ba kadali ang mag loko?
‘Sing dali ba ng pag palit ng damit
pag may bagong uso?
O kasing dali ng pag waldas ng pera
pag bagong sahod sa trabaho?
Parang ang dali lang sayo na iwan ako
Na parang hindi naging tayo
Na parang walang alaalang na buo
Na parang walang damdamin na naka taya
Kapag gusto mo ng bumitaw at maging malaya
ay ganun lang kadali,
Gusto ko lang sabihin sayo
Di ganun kadali lumimot
Lalo na kung maraming alala ang gagamot
Sa masalimoot na katagang paalam
Sa sakit na tila ako lang ang may alam
Di ganun kadaling bumitaw
sa alalang tila kahapon lang
Di ganun kadaling sabihing “ok lang”
At mag momove on na lang
Kasi parang kanina lang
Kanina lang nangyari ang lahat ng sakit
Na diko mawari
Kung kanino dapat isisi
Kung dapat bang gumanti
Para makabawi sa hapdi
Na tanging hikbi ang pumapawi
Sa lamig ng gabi
Pagkat alam kong may iba kang katabi











