NAHUHULOG NAKO SAYO (SPOKEN POETRY TAGALOG)


175 Title: Nahuhulog Nako Sayo💔
Isinulat ni: Baby
Para kay: Mat III
Music: Fallin by Janno Gibbs
Piano cover by: Arlene Sicerio

Hayh..
Marami akong gustong sabihin sayo
Kaso natatakot ako na baka pag
Sinabi ko lahat ng saloobin ko
Eh iiwasan moko..

Show More

Hindi ko alam bat ganito ako karupok
Pagdating sayo.
Dahil Pinipilit ko na pigilan ang sarili ko
Kasi alam kong “laro” lang lahat sayo

Pero nahihirapan ako
Kasi kahit hindi ko aminin o
Aminin ko man sayo..
Diko na mapigilan nararamdaman ko
Kasi nahuhulog nako sayo 😣💔😢

Paano ko sasabayan ang trip mo
Kung sa puso ko iba natong
Nararamdaman ko para sayo?😢
Paano ako magiging “chill” na
Parang “wala” lang to kung
Bumibilis na ang tibok ng puso ko
Para sayo. 😢

Alam kong ayaw mo ng drama
At mga kaartehan sa buhay..
Pero ..
Hindi ko na alam ano pang gagawin ko
Para mapagpatuloy pato
Ng walang halong emosyon
Na ayaw mong magkaron sa larong
Relasyon na meron tayo ngayon..

Ang hirap pigilan ng nararamdaman
Kung araw araw kitang nakakausap
At nakukulitan.
Ang hirap sabihing “wala lang to”
Kung iba na ang sinasabi ng puso ko sayo

Patawarin moko
Patawad kung nahuhulog nako sayo
Patawad kung kasalanan ang
Mahalin ka
Patawad kung hindi ko kayang
Pigilan ang sarili ko sayo

Patawad kung nagiging makulit nako
Kung nagiging demanding nako minsan
Sa oras at attensyon mo
Kung nasabi ko sayong “gusto kita”
na “gusto na kita”
At ng ang nararamdaman ko sayo ay iba na

Patawad kung hindi ako kasing tatag
At tapang mo
Kung hindi ako kasing tibay ng puso mo
Sa larong merong tayo

alam kong “wala” lang to sayo
Nakakapagtaka na hinayaan kitang
Paglaruan  ako.
Kahit alam ko sa sarili ko na walang
Patutunguhan to..
Hahayaan kita.. kasi “gusto kita..”
At dahil kahit diko aminin sa sarili ko..
Nahuhulog nako sayo 😔💔

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press