S A N A (SPOKEN POETRY TAGALOG)


YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atpofficialspokenwords@gmail.com

Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.

Show More

Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.

136● SANA
Isinulat Ni: Admin Katorse
Music: Tunepocket - Faithful Normal State

Sana ako nalang sila
kasi sila ang nagbibigay sayo ng saya.
Sana ako nalang sila
kasi sila ang nagbibigay sayo ng ligaya.

Sana ako nalang sila
kasi sila ang madalas mong nakakasama.
Sana naging ako nalang sila
kasi sila ang dahilan kaya ka tumatawa.

Sana din naging baso nalang ako
kasi yung baso, bibig mo - lagi
niyang natatanto.
Sana din alak nalang ako
para sigurado akong akin ang oras mo.

Oh di kaya, telepono mo nalang ako
kasi yung telepono mo
sobrang importante sayo.
Oh kung hindi man,
Sana din teammate nalang tayo
para maramdaman ko din ang halaga ko.

Sana gaya nila "gamer" din ako
para maski paano sakin din
nagugugol ang oras mo.
Sana gaya nila "tropa" mo din ako
para maski paano ipaglalaban mo ako.

Sana ako nalang din yung
babaeng mahal mo
para 'di ako nanlilimos ng pag-ibig mo.
Sana ako nalang din yung bukas mo
para minsan sa buhay ko maging
masaya din ako.

Pero napagtanto ko,
Mahirap pala makipagkumpetensya
sa mga SANA
kasi bukod sa 'di magiging posible
wala pang posibilidad na mangyayari,

Lahat ng sakit at pasakit
kelangang lakbayin
makamit lang ang sandaling
ako'y iyong mahalin.

Kaya sana wala ng matulad sakin,
isang manunulat na
nakikipagpatintero sa
tintang matagal ko ng hinihiling
na makamit.

Sana ganun kadali.
Sana ganun kasimple.
At ang magmahal ng SANA ay posible.
Yung bukas na darating
ay 'di magiging imposible.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press