SA UNA LANG MASAYA (SPOKEN POETRY TAGALOG)
ANALOU TESORO PUNAY
166π Sa una lang masaya
By Hi ex
tunpocket:
Sa una lang talaga masaya ,
sa una mo lang mararamdaman
na importante ka sakanya
Show More
sa una mo lang mararamdaman
na ayaw ka niyang mawala ,
sa una mo lang mararamdaman
yung kilig dahil sa
sobrang lambing niya sayo ,
sa una ka lang gigising na araw araw
may napaka tamis siyang mensahe
para sayo ,
sa una mo lang mararamdaman
na mahal na mahal ka
ng taong minamahal mo
at sa una lang kayo masaya
sa mundong akala mo
para lang sainyo ,
kaya wag ka mapanatag
kung alam mong mahal ka niya ,
hindi mo hawak ang oras
at bawat pag galaw ng kamay
sa orasan
may mga bagay na
pwede magbago ng mabilisan ,
dadating ang araw na
yung unang pagkakaintindihan niyo
unti unting di na magkakaunawaan ,
yung unang akala mo masaya
unti unting napapalitan ng lungkot at sakit ,
yung unang bawat pag gising mo
may matatamis syang mensahe para sayo
unti unting mawawala
hanggang sa
isang salita nalang
ang masabe niya sayo ,
yung unang kilig na naramdaman mo
sakanya
unti unting mapapalitan ng luha ,
yung una
ramdam mong ayaw ka niyang mawala
unti unting mawawala
hanggang sa maramdaman mong
hindi kana pala mahalaga ,
kaya kana pala niyang bitawan na
para bang ganon lang kadali
ang lahat
at yung unang masaya kayo
sa mundong akala mo
para lang sainyo ,
unti unting guguho
hanggang sa maramdaman mong
mag isa ka nalang pala
dahil lahat ng bagay na akala mo
pang matagalan
unti unting mapapalitan ng katanungan ,
kahit pa ibigay mo na ang lahat
kung hindi parin sapat
para sakanya
kaya wag mong idedepende
ang buhay mo
sa isang taong sa bandang huli
minahal mo na ng sobra
at binigay mo na ang lahat
nakuha ka paring saktan
at iwanan
dahil sa mundong ginagalawan mo
palagi mong tatandaan na,
sa una lang palaging masaya π











