SANA SIYA NA TALAGA (SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atpofficialspokenwords@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
135● "SANA SIYA NA TALAGA"
Isinulat Ni: Jhadhem27
Music: Tunepocket - Calm Piano Inspiration (Music for video)
Noong nagkakilala kami
parehas kaming wasak.
Ako pinagpalit.
Siya naman,niloko ng paulit ulit.
Nung panahon na yun,
pare pareho na ang tingin ko
sa mga lalaki.
Lahat manloloko.
Walang hindi.
Pero noong nakilala kita,
lahat yun nagbago.
Hindi naman pala lahat
pare parehas.
Depende rin sa tao.
Siya naman,
ilang beses na nagbigay ng tiwala.
Pero napunta lang sa wala.
Dahil hindi na pagkakamali ang
kasalanang paulit ulit na ginagawa.
Ang tawag dun?
pananamantala.
Wala kang awa sa taong
walang ginawa kundi mahalin ka
pero lagi mong binabalewala.
Mga taong binuhos lahat,
eh natapat sa mga taong
hindi marunong makuntento
at kahit anong gawin mo,
hindi ka magiging sapat.
Na kahit anong gawin mo
hindi ka magiging tama sa kanila.
Kasi hinahanap nila
lahat, ang kulang mo sa iba.
Doon namin napatunayan na
kahit gaano mo kamahal
ang isang tao,
may hangganan din pala.
Magsasawa ka pa din pala.
Mapupuno — ka rin pala.
At dahil bilog ang mundo,
pagkatapos naming masaktan
at umiyak sa mga maling tao,
yun pala yung tamang panahon
para makilala mo
yung taong “swak” para sayo.
Yung taong
kagaya mo magmahal.
Yung taong
karapat dapat sa tiwala mo.
Yung taong
gagawin lahat,
sumaya,ngumiti at tumawa
ka lang ng totoo.
Hindi man siya ang gumawa,
pero yung nadurogong puso,
bubuuin ng walang kahirap hirap
ng taong kapareho











