SINAYANG MO YUNG TAMANG TAO (SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atphugotpoetry@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
155🔘 "SINAYANG MO YUNG TAMANG TAO"
WRITTEN BY: LEOVILIN NIETO
music: tunepocket - so many years
Hindi dapat paglaruan
yung taong nagmamahal sayo nang totoo
Tandaan mo,
hindi siya binigay sayo
para lokohin mo, paglaruan at saktan
Kung iniisip mo na ganun lang siya
Pwede ba,
ibigay mo nalang siya sa iba
Dahil kung hindi mo siya kayang mahalin
Maraming nakaabang at siyay nanaisin
Sasabihin na
" Sana akin na lang para di ka na masaktan pa”
“Sana akin ka, para di kana aasa at umasa sa kanya”
at nang “ sana ako nalang siya na minahal mo ng sobra"
Kaya kung ayaw mo na sa kanya
sabihin mo agad
Hindi yung sasaktan mo pa siya
nang sagad
Kung natatakot Kang sabihin,
maging matapang ka
Kaya mo ngang manloko ..
ang magsabi pa kaya ay di mo magawa?
Mas mabuti na kasing saktan mo siya
nang biglaan
Kaysa saktan mo sya nang
Dahan Dahan
Mas masarap sa pakiramdam na mahalin
yung tulad niyang tao
taong mabait, malambing at laging nandiyan
para sayo
Sino ba naman yung hindi makukuntento
Kung ganung klaseng tao ang mamahalin mo
Pero ganito talaga kasakit magmahal
ang katotohanang..
Minsan na nga lang may magseseryoso
Napupunta ka pa sa taong
di marunong makuntento
di marunong makuntento
at magpahalaga sayo
Minsan na nga lang umibig yung tao
mapupunta pa sa maling tao..
at minsan na nga lang, magmahal ng buo
sinayang mo pa yung tao nagmamahal sayo
ng buong buo











