TANGI (cover with lyrics) | RM Rodriguez

306 views,

Dan Carniyan

5,500 views

Words & Music by: RM Rodriguez / @1WorshipPH
Original version: youtu.be/H7zQxtcAjQU

Lyrics
Dakila ang Iyong katapatan
Sariwa ang Iyong kahabagan
Sa bawat araw ay aming nakikita
May bagong awa at laging may pag-asa

Salamat sa pag-ibig Mo, o Hesus
Sagana ang biyaya Mo, o Hesus
Kaya ngayo'y naririto
Sumasamba sa pangalan Mo
Wala nang maihahambing sa'Yo
Nag-iisa ang aming Diyos

Aming nadama't nasilayan
Lubusan ang Iyong kabutihan
Sa bawat araw ay aming nakikita
May bagong awa at laging may pag-asa

Salamat sa pag-ibig Mo, o Hesus
Sagana ang biyaya Mo, o Hesus
Kaya ngayo'y naririto
Sumasamba sa pangalan Mo
Wala nang maihahambing sa'Yo
Nag-iisa ang aming Diyos

Wala nang mas mahalaga
Si Kristo lang, ang kasapatan
Wala na ang pangangamba
Si Kristo lang, ang katiyakan
Si Kristo lang, ang kailangan

Salamat sa pag-ibig Mo, o Hesus
Sagana ang biyaya Mo, o Hesus
Kaya ngayo'y naririto
Sumasamba sa pangalan Mo
Wala nang maihahambing sa'Yo
Wala nang maihahambing sa'Yo
Nag-iisa ang aming Diyos

Related Videos

 /