TULANG WALANG PAMAGAT (SPOKEN POETRY TAGALOG)


YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atphugotpoetry@gmail.com

Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.

Show More

Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.

146πŸ”˜"TULANG WALANG PAMAGAT"
ISINULAT NI: CZARINA
Music: Tunepocket - While my guitar slowly cries

Mahal,
Naaalala mo pa ba
yung mga panahong tayo'y masaya pa?
Yung bawat ngiti
sa kulitan nating dalawa na
nakikita sa mapupungay nating mga mata

Ito pa ba'y iyong naaalala?
Dahil ako, oo kasi miss na kita
Miss kita di dahil gusto kitang makita
Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin
na para bang isang prinsesa

Miss ko na
Miss ko na dahil lahat nagbago na
Mahal, may tayo nga pero parang wala
Ano ba kasi ang dahilan
kung bat parati kana lang wala?

"Mahal, busy ako"
Busy?
busy sa iyong ipapalit?
Ay mali, mali ako.
Dahil meron na palang pumalit,
meron ng pumalit sa pwesto ko sayo.
Pero mali talaga eh.
Mahal, maling mali.

Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan,
ano pa nga ba ako?
Isang TANGA na
naghihintay ng oras at pagmamahal mo?
Naghihintay sa taong wala namang pakialam
sa'king nararamdaman?
Sa sakit na aking dinaramdam?

Ano ako sa mundo mo?
Mundo mong parang walang ikaw at ako
Mundo mong walang tayo
Tayo na ako lang ang bumubuo

Pagod na ako.
Pagod na 'ko sa lahat ng sakripisyong
dinanas ko
Sakripisyong ginawa ko na para sayo
wala lang lahat ng ito
Lahat ng sakit na nararamdaman ko

Na mas lalong sumakit
ng nalaman kong habang sinisigaw ko
sa buong mundo na
ikaw ang taong mahal ko,
Isinisigaw mo naman
sa kaparehong mundo
ang pangalan ng taong mahal mo

Na akala ko ay ako,
Pero yun palang
bagong nagpapatibok ng puso mo

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press