UNANG MATUKSO, TALO (SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atphugotpoetry@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
170●UNANG MATUKSO, TALO!
Isinulat Ni: Bea
Para Kay: Daddyi
Music: tunepocket - taking time
Nasubukan mo nabang makipaglaro
Makipaglaro sa tukso?
Yung tipong taken na kayo pareho
Pero hindi mo napigilan ang sarili mo
Na mahulog sa kanya ang loob mo
Yung tipong
Saglit mo palang siyang nakikilala
Pero pakiramdam mo
Ang tagal niyo ng kilala ang isatisa
Yung pakiramdam na
Ang gaan gaan ng loob mo sa kanya
At lahat nakkwento mo
Ng walang halong pangamba
Yung tipong..
Ang lakas ng tibok ng puso mo
Sa tuwing nagkakatitigan kayo
Sa tuwing nagkakausap kayo
At nangungusap mga mata niyo
Ang hirap..
Ang hirap pala talagang pigilan
Ang sarili
Lalo na kung nahuhulog kana sa kanya
Ang hirap itanggi sa sarili
Na nagkakagusto kana
Sa taong saglit mo palang nakilala
Hindi naman ako ganito
Pero hindi ko maintindihan
Bat nararamdaman ko to sayo
Hindi naman ako ganitong
Klaseng tao
Pero hindi ko maiwasan na
Maguluhan ako ng ganito..
Alam kong mali
Sobrang mali.
Kasi alam kong makakasakit
Tayo ng iba, pagpinagpatuloy pa
Ang hirap ng ganito
unang matukso,talo!
Natatakot ako na makasakit ng iba
Natatakot ako na - maging ako
Ang taong mga kinamumuhian ko
Natatakot akong aminin pa
Lalo sa sarili ko na nagugustuhan kita
Kasi alam kong mali
Alam kong mali
Ang magustuhan ka
Alam kong hindi pwede
Hindi pwede na mahalin ka..
At alam kong hindi dapat
Hindi dapat na, Ipaglaban pa
ang ano mang meron tayong dalawa
Paano ko nga ba to ititigil?
Kung











