Tatalikod Ka rin Ba? | Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time (B)
Mahalaga na pag-isipan muna bago bitiwan ang mga salitang “mahal kita.” At kung ito’y nasabi na, dapat lamang sikapin na ito’y huwag nang bawiin pa. Dahil ang totoo, maraming pwede pang mangyaring pagbabago sa mundo, maging ang taong minamahal mo. Pero ang tanong, kapag nangyari ang lahat ng ito, magbabago din ba ang pag-ibig mo?
Ang pagtanggap sa Kanya nang buo, ay pagtanggap din sa lahat ng kanyang aral at tagubilin. Kaya nga sa bawat misa, mahalaga na pinakikinggan pa rin nating mabuti ang Salita ng Diyos, anupa’t kasing halaga rin naman ito ng pagtanggap natin kay Hesus sa banal na komunyon. Kaya nga sikapin nating dumalo at makiisa sa misa simula sa unang “ang tanda ng krus” hanggang sa pagbabasbas sa huli. Kung nais din nating tanggapin ng buo si Hesus at naniniwala tayong tunay siyang nasa banal na Eukaristiy.
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) | 25 Agosto 2024
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoain Church
Josue 24, 1-2a. 15-17. 18b
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19. 20-21. 22-23
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.
Efeso 5, 21-32
Juan 6, 60-69
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | www.instagram.com/samadalings...
Twitter | twitter.com/broknight07
Tiktok | www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#21stSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily