TOTOO BANG ANGHEL SI FELIX MANALO?
The Catholic Faith Guardian
TOTOO BANG SUGO SI FELIX MANALO?
.
Ang isa sa pinaka galit sa katoliko o anti-Catholic na kulto sa Pilipinas ay itong INC na tatag ni Felix Manalo. Ito yong kulto na kung papasok ka sa kanilang pagsasamba ay puro pang aatake at panunuligsa sa Iglesia Katolika ang maririnig mo sa kanilang sa mga pangangaral o homily ng kanilang mga Ministro. Ang ginagamit nilang pang brainwash o pambudol sa mga nautong members ng INC ay pinapaniwala nila sila na si Felix Manalo daw ay isang anghel o sugo. Ito ngayon ang tatalakayin natin kung totoo nga bang SUGO o anghel si Felix Manalo.
.
Ang pinaka unang taong na dapat masagot ay kung sino ang nagsugo ni Felix Manalo? Saan at kelan siya sinugo? Dahil si Satanas ay may mga anghel o sugo din ayon sa Rev 12:7. Malay MO siya ay sugo nga talaga pero hindi ng Dios kundi ni Satanas. O baka sya nga ay isang anghel na inihulog mula sa langit Yong tinatawag na "fallen angel", so angel anghel parin.
.
.
Dati nang sinabi kasi ng bibliya na si Kristo ang pinadala ng Dios sa mga huling araw, hindi si Felix Manalo. Heto ang sabi ng bibliya:
.
" Ang Dios na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak" (Heb 1:1-2)
.
Malinaw sa sitas na binasa natin na sa lumang tipan ang Dios ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta, pero sa bagong tipan sa mga hauling araw, ang Dios ay nagsalita sa pamamagitan ng kanyang anak na si Kristo, hindi ni Felix Manalo. Kaya pinaalalahanan tayo ni Kristo na sa mga huling araw ay lalabas ang mga bulaang mangangaral. Heto ang sinabi ni Kristo:
.
"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami" (Mat 24:11)
.
Malinaw po ang sinabi ni Kristo na magsisibangon ang mga peke o mga bulaan. Isa na dito si Felix Manalo na nagtatag ng Sariling kulto. Wala naman kasing sinabi dyan na sa mga huling araw ay darating ang aking Sugo na si Felix Manalo, ang sinabi Lang ay darting ang mga bulaan.
.
Ngayon ating tatalakayin ang pagkatao ni Felix kung karapatdapat ba SIYANG maging isang Sugo o anghel.
.
Bago pa man makapagtatag ng kulto si Felix Manalo ng INC, sya ay pumasok muna sa ibat ibang protestanteng sekta kagaya ng methodist, Presbyterian, churches of christ, at pati na sa kultong sabadista. Kaya maraming doktrina na kinopya si Manalo na galing sa mga sabadista, dahil sabadista sya dati.
.
Ngayon ang napakalaking katanongan ay eto, sinugo din ba si Felix Manalo na Sasali muna sa ibat ibang sekta at kulto bago magtatag ng Sariling kulto nya? Saan mababasa sa bibliya na ang anghel o Sugo ay papasok muna sa mga ibat ibang kulto, bago magtatag ng iglesia? Tiyak mangangamote ang mga Ministro ni Manalo sa mga taong na ito.
.
.
Noong natiwalag si Manalo sa sa kulto ni Ellen White na Sabadista ay lumayas si Manalo tangay ang dalaga ng sabadista na si Honorata de guzman at nag tanan sila. Ganito ba tamang asal ng isang sugo na itanan ang isang babae? Ang masaklap pa ay ayon sa doktrina mismo ng INC, bawal ang makipag tanan, pero ang founder mismo nila ay ang pasimuno ng pagtatanan. Exempted ba si Felix Manalo sa sarili niyang aral? Kung Ganon kagaya paLa SIYA ni Muhammad ang founder ng Islam. Yong mga muslim na lalaki kasi ay hanggang apat Lang ang mapapangasawa Nila, pero si Muhammad na founder ang asawa ay lampas sampong babae. Sana all founders, Para exempted.
.
.
Isa sa doktrina ng mga INC ay dapat hindi mag asawa sa mga hindi INC, pero si Manalo ang pinangasawa niya ay isang sabadista. Exempted na naman ba si Felix Manalo dito?
.
.
Ang tunay na pangalan ni Manalo ay Felix M. YSAGUN. Pero nag Palit siya ng pangalan, gaya ng mga modus ng mga scammer na nagpapalit palit ng pangalan. Mababasa ba natin sa bibliya na ang sugo ay magpa palit ng pangalan bago magtatag ng iglesia? BAKIT kelangan pang mag Palit ng pangalan e may koneksyon ba Yan sa pagiging sugo? Diba halatang may tinatagong lihim si Felix Manalo?
.
Sabi ng mga Inc, 1914 daw sinugo si Felix Manalo kasabay sa pag simula ng World War I, pero ayon sa pasugo ay 1913 palang nangaral na si Manalo. Ibig ba sabihin na hindi pa siya sugo noong nag umpisang mangaral? E ano sya noon, bulaang mangangaral? BAKIT nangaral na siya kung hindi pa siya sugo?
.
Sabi ni Felix July 27 daw nag umpisa ang world War 1, pero Sabi ng mga history books at KAHIT sa mga online history websites ay July 28 1914. Signing nagsabi ng totoo, si Felix o ang mga Historical records?
.
Sabi ni Manalo nagkulong daw siya na walang kain ng tatlong araw bago naging sugo. Saan natin mababasa sa bibliya na magkulong muna ang isang sugo? Sinabi din sa pasugo ng INC na si Manalo Ay nakipagtalik muna sa kanyang asawa bago siya mangaral (PASUGO MAY-JUNE 1986).
.
E saan natin mababasa sa bibliya na kailangan makipagtalik bago managing sugo? Anong koneksyon sa pakikipagtalik at sa pagiging sugo? Wala DIBA?