MULA SA PUSO NI HESUS,TUNGO SA PUSO NI HESUS

108 views,

Sa Madaling Sabi

25,400 views

Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus noong ihatid sa libingan si Fr. Danny. Ngayong unang Biyernes laan din sa Puso ni Hesus, inaalala ang ika-40 araw ng kanyang kamatayan.

Naniniwala tayong may kalalagyan na ang yumao sa mismong oras pa lang ng kanyang pagpanaw. Hindi na naghihintay ng apatnapung araw. Dahil ang Diyos na mapagmahal, hindi hahayaang wala tayong matutuluyan. Kung saan man iyon, Siya lang din ang may alam.

Pero dahil may tiwala tayo sa Kanyang Awa, alam nating sa takdang panahon makakapiling niya ang lahat ng nagmahal sa kanya sa lupang ibabaw, lalo na siguro ang mga pari tulad ni Fr. Danny na inilaan ang buhay para ihatid ang sambayanan sa Panginoon.

Si Fr. Danny din ang isa sa mga naghatid sa akin sa pagpapari, kaya sa kanyang pagpanaw, sinisikap kong ihatid siya sa piling ni Hesus sa langit sa pamamagitan ng Banal na Misa at mga Panalangin. Sana, samahan din ninyo akong ipagdasal siya at ang mga yumaong mahal sa atin.

Tayong mga nilalang mula sa Puso ni Hesus, sa wakas ng ating buhay ay makatagpo nawa ng kapayapaan sa Puso ni Hesus.

Mahal na Puso ni Hesus, kaawaan mo po si Fr. Danny at ang lahat ng mga yumao lalo na ang mga nangangailangan ng awa.

Mahal na Puso ni Hesus, kaawaan Mo kami!

Related Videos

 /